Topo


How to love?




mamimiss ko ang BSI ( Blackbeard’s Seafood Island)

actually di pa sure kasi lalakarin namin ang 200hrs namin sa school so if ever hindi kami tanggapin sa BSI ulit kami:))

pag tinanggap kami sa school.. mamimiss ko ang mga taong ito

ate jona - na kahit inaasar na kabayo carry lang niya, yung pagbabaliwbaliwan niya

ate carol - ang waitress na tahimik.. pero ang bait

kuya archie - ang waiter na laging bigatin ang mga orders.. sobrang galing niya lang magsales talk sobraaa.. kaya isa siya sa best waiter ng BSI

ma’am josie - ang babaeng walang tiyan, sobrang seksi lang ng babaeng ito, makulit:))

kuya toto/jaypee - ang lalaking tuod, ang bagal niyang kumilos pero pulido naman kung gumalaw, ang taong walang emosyon ang mukha, ang hirap lang basahin ng mood neto kasi iisa lang ang emosyon mapa masaya o malungkot:)

kuya jerwin - ang nagturo sakin nung first day ko sa kitchen, ang sipag at napakafair ng taong to, sa kanya ko nalaman ang ” kung may ikakatwiran ka, mangatwiran ka basta kailangan nasa tama ka”

kuya jay - si bangis.. galing niya lang sa pagpapalipad ng kawali, siya ang nagturo sakin magluto ng kalkag rice, at iba pa:)) mamimiss ko yung kanta niya “cai.cai ( katunog ng Joy dishwashing liquid).. n_n

kuya evans - na kahit wala na nung lastweek ko, mamimiss kita, yung mukha mong laging mukhang inaantok, yung pagpupungas mo lagi..

chef glen - yung pang-aasar at banat mong laos mamimiss ko yan!! haha

chef jen - ang smile mo na nakakahawa at mga tiradang nakakabuhay ng katawang lupa namin..

kuya roger - ang OJT na sumasahod na dahil sa sobrang sipag at galing sa trabaho, ang taong kahit hataw na nakukuha pang magpatawa, ang taong kahit nasisigawan at tinataranta nagagawa ng maayos ang trabaho..

kuya jeof - ang lalaking kahit matangkad ang liit ng biyas.. haha:)) yung laging pangungulit mo samin ni gak, yung pangingiliti mo sa bilbil namen:)

kuya jeff - ang nag-iisang waiter na ayaw o hindi mahilig magpaorder ng crabs.. ang taong laging galit sa mundo at laging naninigaw.. mamimiss ko yung salitang ” mangangatwiran kapa, e sablay ka naman” haha:)) yung patawa at yung nakatagong sweetness sa katawan mo haha:)) mamimiss ko yan promise..

chef arman - ang lagi kong kasama sa dispatching area, ang taong hindi nagsawang turuan ako at ang nakahuli sa kodigo ko sa tabi ng rice cooker:))

kuya leslie - ang tanging ojt na nakilala ko na na-absorb ng red crab, matanda ako sa kanya ng 4months.. pero grabe parang may 5yrs experience na siya.. galing sa math, production area, frying, cooking, dispatching, grilling.. nilibot niya lahat ng area sa kitchen.. mamimiss ko yung mga kwento at pagyayabang niya, yung mata niya na nakakahawa din pag ngumingiti.. tang-inis.. mamimiss kita kabalen:)

sir jon - ang supervisor namin na walang ibang ginawa kundi patawanin kami, ang taong nagturo samin na dapat laging masaya:)) yung trip niyo, promise!! hahanap hanapin  namin yan:))

kuya jay-ar/lupin - handler namin, isa sa mga dahilan kung bakit di kami nahirapan ni bigak, ang kuya namin sa resto na walang ibang ginawa kundi suportahan at asarin kami, ang matampuhing bata, ang laging nag-aayang magtime zone, kumain,maglakad lakad, ang  lalaking trato samin ay kapatid dahil sobrang close namin sa kaniya.. mamimiss ko yung mga gaguhan at asaran naten nina bigak:))

at siyempre si sir tony ang manager namin, na nagbigay inspirasyon samin na maging dedicated sa trabaho at marami pang bagay..

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT:))


11 notes | Reblog | 2 years ago
Posted on January 2nd at 10:10 AM
Tagged as: BSI. ojt. masaya.
  1. lakisalola posted this
Theme By: Heloísa Teixeira